Entries for June, 2008

June 12th, 2008

First Entry

Muntik ko nang makalimutan, meron pala akong tabulas account. 4 years ago na pala.

Wala pa rin pinagbago ang environment ng site na ito. Wala ring updates or upgrades.

Pero ok lang. Mabilis naman ang loading ng pages. Ano kayang server ang ginagamit nila dito?

Anyway, dito na muna ako magwawala. At sana dumami ang aking fans. He he he! ^_^

Currently listening to: Music Somewhere
Currently reading: Wala
Currently watching: The Screen of my Laptop
Currently feeling: blank
Posted by juliustan at 11:27 AM in Everyday Flipping | 19 comments

Para sa mga taong mahihilig sa kwentong "Pag-ibig"

Sa totoo lang, sawa na ko manood ng movie, makinig ng mga musika, o kaya naman ay magbasa ng mga libro na ang mga pamagat ay tungkol sa mga walang kamatayang love story. Masyado na rin kasi ako matanda para magpadala pa sa ganitong klaseng mga kwento na kung pag-iisipan lang talaga, wala sa ayos ang ipinaparating na mensahe nito, walang kakwenta-kwenta, at walang maidudulot na maganda sa buhay ng isang tao kundi excessive depression o kaya naman ay too much confusion sa mga may-asawa, mag-jowa, at lalung-lalo na dun sa mga singularitiness pa din hanggang ngayon.

Well, two thumbs up para sa mga producer at direktor ng mga ganitong pelikula. Kayang-kaya nilang hulihin ang kiliti at atensyon ng kanilang masugid na mga manonood. Kaya kahit na medyo mahina-hina ang IQ ng isa at mabagal pumick-up, madali pa rin nila maintindihan ang flow ng story. Ang kadalasang reason ng ilan, eh nakaka-relate daw sila at minsan nang nangyari ang ganung tagpo sa buhay nila. Sabagay, masarap nga naman talagang balikan ang nakaraan. (Ang mga araw na minsan isang araw sila ay nagkatagpo at pumintig ang kanilang puso ng mabilis, huminto ang oras at umulan ng mga rosas galing sa langit... eew?!) Isa pa, marami daw natututuhan ang mga taong inexperienced sa love, kasi natututo sila ng mga matitinik na strategy kung pano magkaroon ng jowa at kung pano dumiskarte na kunyari ay i-will-wait-forever-martir-style-kuno. At sa mga mag-asawa, healthy para sa isang married life ang manood ng mga love story kasi para daw just in case na mangyari sa kanila yung mga mada-drama at tragic na mga tagpo dito, alam nila kung ano ang next step na gagawin para hindi na dumating sa point na lumipad pa ang mga plato, baso at ang mga kalderong inuuling na ang puwitan. Marami pang reason, pero ang point ko lang dito... nakakatulong ba talaga ang mga ganitong mga supplemental ideas about love sa buhay ng tao?

Kagaya ng nasabi ko na, nakapagdudulot ito ng excessive depression o kaya naman ay too much confusion. Pero based lang ito sa aking matalinaw na pagmamasid sa aking kapaligiran. Wala itong maka-siyensiyang explanasyon o kaya naman ay mga kaisipang galing sa mga propesyonal na sikologo. Kaya, kung medyo offensive ang ilan sa mga sasabihin ko... paumanhin.

Naobserbahan ko na ito nung elementary pa lang ako, at talagang kahit yung mga kaklase kong tulo uhog pa, alam na nila kung pano ang ma-inlove. Kahit na ang mga action movies pa lang nila FPJ, Rudy, Philip, Robin, at Eddie pa lang ang mga umiiral noon at wala pa masyadong mga lab istoring malulupit, nagkalat naman ang mga erotic pocket book na dinekwat nila sa drawer ni Inday, at mga perverted newspapes na ninenok naman ng palihim sa kanilang mga tatay habang natutulog sa may pansitan. Bilang resulta, lumaganap ang tuksuhan at mga crush-crush, at sa katunayan mga 5 pairs ng mga classmate ko nung grade 6 ang nagkatuluyan... at sa hindi inaasahang pangyayari, isa sa kanila ang nabuntis.

Sa mga kaklase ko nung grade 6, kala nyo siguro hindi ko alam ang mga relasyon ninyong patago. Ikaw, na itatago ko nalang sa pangalang Bong, napulot ko yung love letter mo para sa isa na itatago ko nalang sa pangalang Beng-beng. Sa inyong 5 pairs, kayo lang ang matigas na hindi umamin hanggang sa huling patak ng inyong mga uhog sa teacher natin na itatago ko nalang sa pangalang Mrs. Butanding. Sorry nga pala at hindi ko sinasadyang mabuksan at mabasa ang iyong napakabaduy na mensahe para kay Beng-beng, kasi akala ko scratch paper lang ito at pwede kong pagbalutan ng aking juicy fruit gum na 4 hours ko nang nginangata. Nahulog yata ito ni Beng-beng, kasi nakita ko ito sa ilalim ng kanyang upuang sira ang armchair, kaya huwag na ako ang sisihin mo kundi ang jowa mong careless. Kung nasaan man kayong dalawa, huwag kayong mag-alala, hindi ko naman ipinagkalat at hindi naman nakarating sa kaklase nating sampu ang bunganga na itatago ko nalang sa pangalang J-J (Joberta Juding) ang inyong sikretong malupit at magilas ko namang ipinasok ulit sa bulsa ng mickey mouse bag ni Beng-beng yung love letter nang hindi nya napapansin.

Back to topic. Bakit ba talaga nakapagdudulot ng depression at confusion ang mga love story?

Marami sa mga kakilala ko mahilig manood ng mga love story, pero yung iba adik talaga. At sa kakanood nila, kadalasan, kahit anung gawin kong pag-divert sa conversation namin tungkol sa dito, dun at dun din pa rin bumabagsak ang buwisit na usapan. Ilang beses na ako nagpayo na huwag na kasing manood ng mga ganitong mga palabas sa TV o kaya naman ay sa sinehan. Ang hirap kasi, madaling madala ang kanilang mahihinang emosyon ng ganitong mga panoorin. Kaya, sa sobrang nakakakilig at ganda daw ng istorya, parang ang nangyayari ay gusto na rin nila itong maranasan minsan sa buhay nila, at sa tingin nila, sa loob lamang ng halos dalawang oras ay makukuha nila ang kanilang gusto. Kaya ang nagiging resulta naman nito, nakakaramdam sila ng "pagkabigo" or "grief" at sobrang kalungkutan na parang sila yung main star sa "Maalaala Mo Kaya". Endless solitude kumbaga. Kaya ayun, maraming nade-depressed. At sa kasamaang palad, ang iba ay naiisip ay mag-suicide na lang dahil sa sobrang pagkabigo. Tapos sa mga magkasintahan, paminsan-minsan, nagkakaroon ng di-pagkakasundo dahil sa maaaring gusto ng isa na maranasan at gawin sa kanya ng kanyang ka-partner ang kanyang napanood. At kung hindi ito maibigay ng isa, ayun, nagkakasamaan ng loob na nauuwi pa nga sa paghihiwalay at pagkasayang ng isang mahabang panahon na pagsasamahan.

Finally, bakit naman nagkakaroon ng confusion?

Actually, ako nako-confuse na rin kasi hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagugutom na naman ako eh kakatapos ko lang kumain. Pero walang kinalaman ito.

Hindi naman masama manood ng love story...

May mga mag-asawa na maaaring maging biktima ng mapangahas at nakakalason na mga mensahe nito. Kadalasan, ang nagiging tema ng mga panooring ito ay may kinalaman sa love triangle o kaya naman ay third party. Maaaring sabihin ng mga mag-asawa na nanonood lamang naman sila at kahit kelan, hindi mangyayari sa kanila ang ganitong mga eksena. Pero, makikita mo naman na aliw na aliw sila sa kanilang napapanood. Kaya paaano nila masasabing hindi sila maaring madala ng ganitong mga pangyayari?

Tama nga naman sila, hindi sila yung mga tauhan at sila lang yung mga hamak na manonood. Hindi nga naman sila yung kunyari na nasasaktan, nagagalit, at nakakapagmove-on sa ending ng story. Kaya sa tingin nila, this is just a form of entertainment ant there's nothing really serious about it.

But, for example, what if na just in case makita ng wife si husband na masayang-masaya at may kausap o kasama na ibang babae sa isang shopping mall? Kahit na sabihin pa niya that she trusts her husband very much, hindi ba't papasok at papasok pa rin sa isip nya kahit konti ang kaisipang "Siguro kabit nya ito" at magselos, lalo na kapag nasa nature ng isang babae ang pagiging overly-emotional? At ang masama pa nito, kung palagi pa niya makita ang kanyang asawa sa ganitong pagkakataon, at biglang sumagi sa kanyang isip ang kanyang napanood about sa third parties, ewan ko lang, kayo na ang mag-isip. At kung sakali nga na magkaroon ng di pagkakaunawaan, magagawa nya rin ba yung isang eksena dun sa napanood nya na makapagpatawad at nakapag-move ng ganun kadali?

Nobody's perfect kaya huwag na natin itaas pa ang ating pride at tanggapin nalang na talagang maaaring mangyari ito dahil sa epekto ng ating mga love story na napapakinggan, nababasa, o napapanood. Maaaring marami ang naging successful sa kanilang mga lovelife, pero marami din naman ang nagiging disastrous ang ending dahil dito. Kaya siguro, tayo nalang ang mag-assess sa ating mga sarili at pag-isipang mabuti kung kakayanin ba ng ating sariling mga emosyon ang ganitong klaseng mga kaisipan. But kung ako ang tatanungin, mas mabuti na umiwas na lang.

I've already been through this, and I humbly admit it. Pero hindi ako adik manood ng mga love story at paminsan-minsan lang ako nanonood kung wala lang talaga magawa. Pero kahit paminsan-minsan lang, malaki pa rin ang naging effect nito sa pag-iisip ko. At based sa aking experience, marami akong mga kakilala na naging parehas sa kinahinatnan ko at ang iba ay mas malala pa nga. Napansin ko na hindi naman ako madaling magselos noon at mag-isip ng kung anu-anong katarantaduhan, pero dahil sa mga napanood ko, na-corrupt ang aking special abilities. Madalas ako magselos kahit wala naman dahilan para dito. Kahit crush ko lang ang isang girl, pinagseselosan ko kapag may nabalitaan lang ako o may nakita na meron syang ibang ka-close. At kahit close friends lang kami, I've always wanted to be treated more than just a close friend... on which is definitely not an obligation for a friend to do such a thing. Naging aggressive ako masyado at emotionally retarded. And the worst, I ended up with people moving away... away from me. That's why, years ago, because of too much emotion and pain, na-realize ko na it's time for me to do something... for me... for myself... for I... for my own good... to kill this rotten emotions planted inside my heart. Through this way is how I discovered my legendary motto... "Kung gugustuhin mo lang, magagawa mo."

Currently listening to: Ticking of the clock
Currently reading: Crucible of Terror
Currently watching: Movies of 2007
Currently feeling: tired
Posted by juliustan at 12:56 PM in Love and Friendship | 6 comments

Snow White and the Seven Dwarfs

Wala, bigla lang may pumasok sa isip kong kalokohan kaya nandito na naman ako para magkalat ng basura. Naisip ko kung meron na bang Tagalog version ng legendary bedtime story na "Snow White and the Seven Dwarfs". May libro kasi kami ni Snow White nung bata pa kami at tuwang-tuwa talaga ako... tuwang-tuwa ako na kulayan ang gitna ng lahat ng letter "o" sa bawat pahina. At kapag naubos na ang letter "o", pinagtityagaan ko nalang ang mga letter "b", "d", "p" at lahat ng mga letrang may espasyo gitna. Minsan, napagti-tripan ko din kulayan ng crayola blue ang mata ng balbas-saradong mga bansot at lagyan ng nunal sa mukha si Snow White (oi, pero hindi ko idol si ate Guy hah!?). At sa kalaunan, dahil sa aking pagkainis sa mga english words, kasi hindi ko talaga mabasa at maintindihan nung 3 years old palang ako, inatake tuloy ako ng pagiging otistik at ginawa ko itong scribble pad. Kaya hindi lang nunal ni Nora the great ang sinapit ni Whitey kundi face painting na malupit with matching pangil at sungay pa. (oi ka ulet, hindi pa pinapalabas nuon ang interview with the vampire)

Five or six years old na ako nung napanood ko sa TV ang animated movie ni Snow White sa isang channel na hindi ko na matandaan at hindi ko maintindihan kung bakit ipinalabas iyon. Sa kasamaang palad, hindi pa rin ako masyado marunong umintindi ng ingles, kaya dinaan ko nalang sa tawa at ngiti para kunwari naiintidihan ko ang mga sinasabi ng mga tauhan sa kwento, lalo na nung pitong bansot. Ah oo, may naintindihan din naman pala akong mga dialogue sa mga eksena dun kahit paano... nung papunta sa kweba ang mga bigotilyong nanu-friends habang kumakanta ng "hay-how, hay-how ishof dewer wigo *whistle* *whistle* *whistle* *whistle*  hay-how, hay-how, hay-how, hay-how". At ayun naging LSS ko ito, kaya paulit-ulit ko itong kinakanta sa harap ng aking mga bopols na playmate. Proud na proud pa nga ako nun sa sarili ko kasi ang galing ko sumipol eh. Buti nalang at isang inutel at kalahati pa sila noon at hindi pa sila aware sa sfellings and grammers. (^_^). Kung nasan man sila ngayon, sana hindi na nila naaalala ang aking singing talent.

Wish ko lang na sana nga meron Tagalog version ng Snow White and the Seven Dwarfs at para hindi na matulad sa akin ang ibang inosenteng bata at kantahin rin ang "hay-how, hay-how" style ko. Sana maisipan iyon gawin ng Walt Disney. Sayang, kung medyo bibo lang ako nung bata ako, sumulat sana ako sa kanila na i-translate nila sa wikang tagalog yung libro nang sa gayon eh maintindihan ng mga kawawang otistik na bata na tulad ko. At para ma-realize din nila habang maaga ang hindi ko na-realize after mawasak ko ang kawawang libro. Oo, ang pinaka-importante sa lahat... moral of the story. Toinks! Imposible rin palang mangyari ang sinasabi ko kahit maging ako pa si totoy bibo... eh hindi nga pala ako marunong magsalita ng ingles! Bwiset!

Ano nga ba ang moral lesson ng Snow White and the seven Dwarfs?

Kumbaga sa matututuhang aral sa talinhaga ni tatang jose tungkol sa isang gamu-gamo sa paikot-ikot sa paligid ng apoy ng kandila, ang sabi nya dito eh gamitin lang ang common sense para hindi ka maging bar-be-que. Dito naman sa istorya ni Snowie, huwag ka daw magtitiwala sa mga matatandang babaeng nakasuot ng kulay itim, may dalang basket ng apple at walang pustiso (at nabibilang sa daliri ang ngipin! bwahahaha), kung ayaw mo naman mahimlay at tamaan ng kakila-kilabot na sumpa. Hehe joke! O eto serious na... simple lang naman ang moral lesson... "Never talk to strangers." Eh matigas ang ulo ng babaitang bugak at hindi nakinig sa bilin ng kanyang mga alipores na bansot na huwag magpapapasok sa bahay ng kung sinu-sino. Anyways, ang naging ending pa rin naman ay "...and they lived happily ever after" kasi dumating ang kanyang prince charming and he gave her a kiss of a one true love. (yay! baduy!)

Posted by juliustan at 01:02 PM in General Topics | 16 comments

June 13th, 2008

Naisip Ko Lang

Kaninang umaga kasi, medyo mainit ang ulo ng mga taong nakasabay ko sa bus. Siguro, dahil karamihan sa kanila, naiisip na ang sandamakmak na mga gastusin ngayong umpisa na naman ang school days. Anyway, marami din namang possible reason.

Siguro yung iba, medyo naparami ang inom ng tubig bago umalis ng bahay, kaya gustong-gusto na bumaba para maki-CR sa mga fastfood restaurant. Yung iba naman, hindi masyado nakapag-discharge kaninang umaga, tapos nung oras lang na iyon sumumpong ang kanyang malupit na kabag. Ang mga medyo gulu-gulo ang buhok na kala mo rakistang adik, maaaring hindi nakatulog kagabi kasi may nakita siyang item sa department store, kaso hindi nya mabili kasi wala pang sweldo. Tapos yung mga nakasimangot at medyo sad face ang looks, pwedeng nag-away sila ng asawa niya kagabi or baka nakipag-break na ang boypren or girlpren sa kanya. Or nakasimagot siya kasi, may baktol yung katabi nya. Meron pa, yung isa nakatingin sa labas ng bintana at mukhang milya-milya na ang nararating ng kanyang iniisip, dahil hindi nya malaman kung totoo ba talaga ang theory of evolution. Kasi, kung ang tao daw ay nagmula sa unggoy, eh bakit meron mga taong mukhang kabayo? Oi teka! Baka iniisip mo, ako yung nakatingin sa labas ng bintana? Sorry, mali ka. Kasi nakatingin ako dun sa matandang babae na nakatayo, mga 12 rows away from me. Naaawa ako, kasi walang gusto magpaupo sa kanya. Tapos nung may pasaherong tumayo na, inunahan siya ng isang medyo-mataba na babaeng walang pakundangan! Napaka-inconsiderate nya talaga.

Isa pa iyon sa mga dahilan. Siksikan sa loob ng bus at ang hina ng aircon. Mas malamig pa sa labas ng bus sa totoo lang. Kaya ang temperature sa loob ng bus ay sumasaliw sa himig ng problema ng mga tao sa loob. Eh kasi naman itong bobong kundoktor na kasing-liit ng mani ang utak, sinisiksik ng sinisiksik ang mga pasahero sa loob, kaya ayun, kala mo mga nagmamantikang sardinas na nasa loob ng microwave ang dating ng mga pasahero. Pero minsan, hindi rin ito kasalanan ng kundoktor eh, sa mga pasahero din. Kasi naman! Alam na nga na puno at tayuan na ang bus eh bakit sumasakay pa rin sila. Tapos kapag nagsisiksikan na, kala mo mga transistor radio na daig pa ang komentarista kung mambatikos. Natawa ako nung isang araw, kasi nung siksikan na talaga at hindi na makatiis ang isang babaeng pasahero, nagsumigaw siya at inaway ang drayber at kundoktor. Okay na sana eh kaso nabulol... sabi nya, "Anak ng !@#$%^ naman! Pasakay kayo ng pasakay ng pasahero eh hindi naman kami nakasakay dito! ....Ay nagsisiksikan na kami pala." (Anu daw?!) Lakas ng boses eh, lahat ng pasahero napatingin sa kanya. Kaya minsan mas okay na rin yung tumahimik ka nalang at magtiis kesa mapahiya.

Speaking of this "Less talk, less mistake" thing, may isang insidente pa. Sa pilahan naman ng shuttle sa isang parking lot dito sa may Ayala. Istorya ito ng isang highly-depressed lunatic na medyo may edad na matabang babae, na halos lahat ng bagay ay napapansin nya sa paligid, at konting bagay lang na dumikit sa kanya, kala mo para siyang baboy na malapit nang katayin dahil sa kanyang sobrang kasungitan. Medyo umuulan-ulan pa nun kaya nakapayong ang lahat ng nakapila. Parking lot lang kasi, kaya walang mga waiting shed na kagaya sa mga terminal. So ayun ganito na yung nangyari. Nakapila kami at katabi namin ang mga kotseng nakaparada. Medyo nahati pa ang linya dahil sa isang nakaparadang CRV sa gitna namin. Nasa gitna ng pila ang Ale na ito, at ang napansin ko sa kanya, malikot ang kanyang mata at lahat ng tao ay tinitignan nya mula ulo hanggang paa. (Parang kakainin kami ng buhay!)

1st Situation: Meydo dumikit ang payong nung isang babae na nakatayo sa harap nya. Biglang sumigaw, "Squeeeenk! Squeeeenk! Oiiiiiiink! Squeeeenk!" Translation: "Konting ingat naman miss! Ilayu-layo mo naman ng konti yang payong mo!" (Mukhang naghahanap talaga ng away ang isang ito. Buti nalang at mukhang educated yung Miss at hindi na niya pinatulan si Miss Piggy)

2nd, 3rd, 4th, 5th and 6th Situation: Mga 5 times siya nagtaas ng boses kapag may bagong pasahero na dumating sa pilahan at medyo hindi niya napansin na siya ay pumila sa first row, magsusungit na kaagad ang baboy na ito at sasabihing "Squioooink! Squioooink! Weeeeenk!" Translation: "Hoy! Dun yata sa kabilang side ang last!" (Syempre, kahit sino naman eh magugulantang kapag ikaw ang sinigawan ng "Hoy!")

7th Situation: Eto ang the best. May isang babae na nagmamadali at dumiretso kaagad sa gitna ng pila at bumubulong ng "Excuse me po!" Sa isang di-sinasadyang pagkakataon, dun siya napatapat kay Miss Baboy Universe. As usual, nagsungit na naman siya. "Bwaaaaaaaaaaank! Bwaaaaaaaaaaaaaaank! Bwaaaaaaaaaaaaaaaank!" Hala? Mukhang pissed-off na yata talaga itong si Miss Piggy ah. Translation: "Miss, dun yata sa kabilang side yung last row!!!" Hindi siya pinansin ng babae at tumuloy pa rin siya sa gitna ng pila. Syempre, since naghahanap talaga ng away itong si Miss P, sinundan niya ito ng tingin. Bahagyang nakabukas na ang kanyang malaking bungaga para awayin na ng tuluyan ang babae pero nanlaki ang mata niya ng makita niya na yung babae pala ang may ari ng CRV na nakaparada sa gitna ng pilahan. (Kahit hindi niya sabihin, kitang-kita naman sa malalaking mga mata ni Miss Piggy na napahiya siya. We he he!)

Hindi pa dito natatapos ang kwento.

8th Situation: Eto naman ang the worst. Pagdating ng shuttle, mukhang hindi yata gusto ni Miss Piggy ang itsura nung shuttle na sasakyan niya (Actually, parang ayaw nya rin sa itsura ng driver. Kasi sumimangot siya nung makita niya ang driver. Baka daw mahawa siya ng kapangitan) Since maximum of 14 passengers lang ang capacity ng isang shuttle, at siya yung pang 14th, lumibot na naman ang kanyang paningin sa paligid, at sa di na naman inaasahang pagkakataon, ako naman ang mapalad na nakita nya. "Woinky! Woinky! Woink! Woink!", ang sabi niya sa akin. (Actually, nasa harap ko lang kasi siya). Eto naman ang malupit na sagot ko. "Hoy! (nahawa ako sa kanyang "Hoy!") Hindi ako nakikipag-usap sa BABOY!" Hehe! Joke lang! Sa isip ko lang yun sinabi. Ay teka, eto nga pala yung translation ng sinabi nya. "Boy, sige na. Mauna ka na, ikaw nalang ang sumakay." (Naks, mabait sakin ha.) Eh di sunod naman ako sa mga sumasakay... eh kaso, sakto naman talaga, pang 15th na pala ako! (nagoyo ako ni Miss Piggy!) Kaya yun, balik ako sa linya. Pagdating ng next shuttle... syempre, since magkasunod kami sa linya.... anak ng??!?!?! Magkatabi kami sa loob! Huhuhu! Para akong binabangungot sa mga pangyayari. Kasi habang nasa biyahe at sa tuwing hihinto ang van dahil sa traffic, para siyang butiki na gawa ng gawa ng ingay. "Tsk! Tsk!" ganun ng ganun. (Waaa! Butiking Baboy!!! O ha??? Anu kaya itsura non?!? Baboy na marunong umakyat sa pader?! Wa ha ha!)  Nakakairita talaga siya. Ah nae-ebak na siguro kaya masungit o baka hindi pa nakakain ng darak?! Buti nalang at hindi nagpasabog ng lagim sa loob ng shuttle. Disaster talaga kung nagkataon! Nung mga oras na iyon, nagkakasala na talaga ako sa pamamagitan ng aking pag-iisip. Kasi gusto ko na talaga siyang ihulog sa labas ng bintana, at matutuwa talaga ako kung makikita ko siya na nagpapagulong-gulong sa daan habang sumisigaw ng "Sqwaaaaaaaankkkkkkk! Wooooooink! Shwaaaaaaaaaaaaaaankkkk!".

Sige tawa ka dyan! Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan ko? Matatawa ka kaya? At onga pala... sa sobrang katabaan nya, nasiksik ng maigi ang seat namin at hindi ako tuloy makahinga ng maayos. Buti na lang at nakauwi pa ako ng buhay.

Pagdating ko sa bahay, narinig ko ang cellphone ng kapatid ko. May bagong ringing tone, at ganito ang tunog... "Oink! Oink! Oink! Oink!"

Parang nang-aasar.
 

Currently feeling: nauseated
Posted by juliustan at 10:27 AM in Everyday Flipping | 12 comments

June 16th, 2008

Chapter 14

How Can I Make My Loneliness Go Away?

It is Saturday night. The boy sits alone in his room.

“I hate weekends!” he shouts. But there is no one in the room to answer. He picks up a magazine and sees a picture of a group of young people at the beach. He hurls the magazine against the wall. Tears well up. He clamps his teeth on his underlip, but the tears keep pushing. Unable to fight it any longer, he falls on his bed, sobbing, “Why am I always left out?”

DO YOU sometimes feel like that—cut off from the world, lonely, useless, and empty? If so, do not despair. For while feeling lonely is no fun, it is not some fatal disease. Simply put, loneliness is a warning signal. Hunger warns you that you need food. Loneliness warns you that you need companionship, closeness, intimacy. We need food to function well. Likewise, we need companionship to feel well.

Have you ever watched a bed of glowing coals? When you take one coal away from the heap, the glow of that single coal dies away. But after you put the coal back into the heap, it glows again! In isolation, we humans similarly do not “glow,” or function well, for long. The need for companionship is built into our makeup.

Alone But Not Lonely

Essayist Henry David Thoreau wrote: “I never found the companion that was so companionable as solitude.” Do you agree? “Yes,” says Bill, age 20. “I like nature. Sometimes I get in my little boat and go out on a lake. I sit there for hours all alone. It gives me time to reflect on what I’m doing with my life. It’s really great.” Twenty-one-year-old Steven agrees. “I live in a big apartment building,” he says, “and sometimes I go to the roof of the building just to be alone. I get some thinking done and pray. It’s refreshing.”

Yes, if used well, moments of solitude can give us deep satisfaction. Jesus too enjoyed such moments: “Early in the morning, while it was still dark, [Jesus] rose up and went outside and left for a lonely place, and there he began praying.” (Mark 1:35) Remember, Jehovah did not say, ‘It is not good for man to be momentarily by himself.’ Rather, God said that it was not good for man “to continue by himself.” (Genesis 2:18-23) It is prolonged periods of isolation, then, that may lead to loneliness. The Bible warns: “One isolating himself will seek his own selfish longing; against all practical wisdom he will break forth.”—Proverbs 18:1.

Temporary Loneliness

Sometimes loneliness is imposed on us by circumstances beyond our control, like being away from close friends as a result of moving to a new location. Recalls Steven: “Back home James and I were friends, closer than brothers. When I moved away, I knew I was going to miss him.” Steven pauses, as if reliving the moment of departure. “When I had to board the plane, I got choked up. We hugged, and I left. I felt that something precious was gone.”

How did Steven make out in his new environment? “It was rough,” he says. “Back home my friends liked me, but here some of the folks I worked with made me feel as if I were no good. I remember looking at the clock and counting back four hours (that was the time difference) and thinking what James and I could be doing right now. I felt lonely.”

When things are not going well, we often dwell on better times that we had in the past. However, the Bible says: “Do not say: ‘Why has it happened that the former days proved to be better than these?’” (Ecclesiastes 7:10) Why this advice?

For one thing, circumstances can change for the better. That is why researchers often speak of “temporary loneliness.” Steven could thus overcome his loneliness. How? “Talking about my feelings with someone who cares helped. You cannot live on in the past. I forced myself to meet other people, show interest in them. It worked; I found new friends.” And what about James? ‘I was wrong. Moving away did not end our friendship. The other day I phoned him. We talked and talked for one hour and 15 minutes.’

Chronic Loneliness

Sometimes, though, the gnawing pain of loneliness persists, and there seems to be no way out. Ronny, a high school student, relates: “I’ve been going to school in this district for eight years, but in all that time I’ve never managed to make one single friend! . . . Nobody knows what I feel and nobody cares. Sometimes I think I just can’t stand it anymore!”

Like Ronny, many teenagers experience what is often called chronic loneliness. This is more serious than temporary loneliness. In fact, say researchers, the two are “as different as the common cold and pneumonia.” But just as pneumonia can be cured, chronic loneliness can be beaten too. The first step is trying to understand its cause. (Proverbs 1:5) And 16-year-old Rhonda pinpoints the most common cause of chronic loneliness, saying: “I think the reason why I feel very lonely is because—well you can’t have friends if you feel badly about yourself. And I guess I don’t like myself very much.”—Lonely in America.

Rhonda’s loneliness comes from within. Her low self-esteem forms a barrier that keeps her from opening up and making friends. Says one researcher: “Thoughts such as ‘I’m unattractive,’ ‘I’m uninteresting,’ ‘I’m worthless,’ are common themes among the chronically lonely.” The key to overcoming your loneliness may thus lie in building your self-respect. (See Chapter 12.) As you develop what the Bible calls “the new personality,” characterized by kindness, lowliness of mind, and mildness, your self-respect is sure to grow!—Colossians 3:9-12.

Furthermore, as you learn to like yourself, others will be drawn to your appealing qualities. But just as you can only see the full colors of a flower after it unfolds, so others can fully appreciate your qualities only if you open up to them.

Breaking the Ice

‘The best advice for a lonely person,’ says a recent publication from the U.S. National Institute of Mental Health, is to ‘get involved with other people.’ This advice harmonizes with the Bible’s counsel to “widen out” and show “fellow feeling,” or empathy. (2 Corinthians 6:11-13; 1 Peter 3:8) It works. Caring for others not only gets your mind off your own loneliness but motivates others to take an interest in you.

Nineteen-year-old Natalie thus decided that she would do more than sit back and wait for people to say hi. ‘I have to be friendly too,’ she says. ‘Otherwise people will think I’m stuck-up.’ So start with a smile. The other person might smile back.

Next, strike up a conversation. Lillian, age 15, admits: “Going up to strangers for the first time was really scary. I was afraid that they wouldn’t accept me.” How does Lillian start conversations? She says: “I ask simple questions like, ‘Where are you from?’ ‘Do you know so and so?’ We both may know a person, and before long we’re talking.” Kind acts and a generous spirit will likewise help you to build precious friendships.—Proverbs 11:25.

Remember too that you can have a friend who will never let you down. Jesus Christ told his disciples: “I am not alone, because the Father is with me.” (John 16:32) Jehovah can become your closest friend too. Get to know his personality by reading the Bible and observing his creation. Strengthen your friendship with him by prayer. Ultimately, a friendship with Jehovah God is the best cure for loneliness.

If you still feel lonely from time to time, relax. That is perfectly normal. What, though, if extreme shyness is holding you back from making friends and being with others?

 

Currently reading: Young People Ask p. 115
Posted by juliustan at 01:52 PM in General Topics | 17 comments

June 17th, 2008

Pakalog nga!

Narinig nyo na ba yung term na "pakalog"? Hindi yung pakalog na ang ibig sabihin ay "kakalugin" ang kung ano man. Kakaiba ang isang ito. First time kong narinig ang kakaibang meaning ng salita na yun nung lumipat kami ng bahay sa Imus, Cavite.

Third year high school ako noon nung una akong magoyo ng "pakalog". Isang araw, lumapit sa akin ang classmate kong babae na itatago ko na lang sa pangalang "bebang kalog", at sinabi niya, "Pakalog naman". Syempre, medyo nabigla rin ako at napatulala. Baka kasi kung ano yung gusto niyang kalugin.

Tinignan ko lahat ng mga nakasabit sa katawan ko na pwedeng "kalugin" at wala akong ibang nakita kundi ang aking ID. (Promise, ID lang talaga ang naisip ko, wala nang iba!) At dahil sa hindi ko siya talaga ma-gets sa kanyang sinasabi, ginamit ko na lang ang aking malufet na lohika para i-decipher ang kanyang "mystery" word. Ayoko naman magmukhang inosente para itanong pa sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng isang simpleng tagalog word na "pakalog", kaya ganito ang naging tanong ko sa kanya, "Ano naman ang gusto mong kalugin?"

Ayun, medyo nagkaintidihan na kami. Sabi nya, "Pakalog ng piso."

Medyo weird diba? Pero dahil sa ako ay isang "polite" na bata, sige pinahiram ko siya ng piso. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit. Akala ko gusto niya lang maglaro ng piso at kakalugin nya lang ito sa loob ng kanyang dalawang kamay. Pero yun ang malaking pagkakamali ko! Nak ng teteng?! Bigla ba naman ibinulsa ng bruha!

Hindi na rin ako nakaimik. Bagong salta lang din kasi ako sa Cavite, kaya dapat matuto akong makisama. Langya, everyday niya ginagawa yun. At lahat ng classmate ko "kinakalugan" niya ng piso. Mga 50 kami sa loob ng classroom noon, at siguro mga 60-70% sa amin ay nauuto niya.

Pero hindi nya na ko naisahan nung sumunod na mga araw. Wise yata 'to. Ibinabalot ko sa loob ng papel at itinatago ko sa loob ng bag ko yung mga barya kong natitira after "recess". Nayari na naman kasi ako ni "bebang kalog" nung isang araw. Kasi kapag sinabi mong wala kang piso, bigla siyang nanghahablot ng bulsa na parang "snatcher" at "kakalugin" nya ito hanggang sa may marinig siyang nagkakalansingang mga barya. At kapag nalaman nya na ikaw ay nagpapalusot, grr! Sasabihan ka pa ng "kuripot". Ayun, dun ko lang din lubusang naintindihan ang meaning ng terminong "pakalog".

Marami din naman sa mga classmate kong garapal ang pagmumukha ang gumagawa nun, pero hindi kasing garapal ni "bebang kalog" na halos araw-araw kumukubra. Parang barker lang sa jeep na humihingi ng "tong" sa driver. Makalipas ang ilang buwan, napansin ko na parang natural lang pala talaga sa kanilang lahat yung "mangalog" at "magpakalog". Parang mga small-time extortionist kung iisipin. Pero nakita ko kasi na yung "nangangalog" ay marunong din palang "magpakalog".

Syempre, hindi na rin ako nagpahuli sa "pakalog" business. Natutuhan ko na rin ang "mangalog" at ang "magpakalog" na bukal sa puso. Inuna kong resbakan itong si "bebang kalog". Bwisit siya kaya araw-araw ko siyang "kinalog-ng-kinalog". Minsan, hindi ko siya "nakakalugan" at mukhang nakopya niya rin yung style ko na "balot-papel-barya-tago-sa-bag" technique. Pero ok lang, medyo marami-rami rin naman akong pisong "nakalog" sa kanya, siguro mga mahigit bente pesos din. Kaya, hindi lang ako nakabawi, tumubo pa ako.

Lumipas ang mga araw at sa isang di-malamang kadahilanan, napansin kong hindi na nangangalog si "bebang kalog". Naisip ko, baka na-hurt ang feelings niya kasi wala nang "nagpapakalog" sa kaniya at siya na yung palaging "nakakalugan" ng mga hinayupak kong kaklase. O kaya naman, baka na-realize niya na pararang hindi talaga tama ang "mangalog" kasi para itong panlalamang sa iba. (Hehe! Totoo naman.) Maaari din na sa dami na ng kaniyang "nakalog", napuno na ang kaniyang "kalog bank" ...este "piggy" pala. Anyway, mabuti na rin iyon. Nawala na rin sa wakas ang pinakamalupit "mangalog" sa aming lahat at wala na kaming kakumpitensiya.

Pero magkagayon man, nanaig pa rin sa aking "heart" ang pagiging "maawain". Napagtanto ko, na parang medyo sumobra naman yata ang panreresbak na ginawa ko sa kanya. Nakita ko siyang malungkot nung isang araw kaya nilibre ko nalang ng isang "cheese cake". Eight pesos din iyon ha. Natuwa naman siya at simula nun, naging friends na kami. Pagdating ng 4th year, dahil siya ay nag-training sa COCC, at siya ang naging battalion officer namin, lagi niyang naaalala yung kabutihang loob na ginawa ko sa kanya nung 3rd year pa kami. Kaya everytime na "late" ako sa CAT, hindi niya ako masyado pinaparusahan. Kung pinapatawan niya ng 50 push-ups yung iba, sa akin 30 lang. Ang sweet nya noh?

Kaya para sa lahat ng tao diyan ng hindi pa alam kung ano ang ibig sabihin ng "pakalog", ngayon alam nyo na. Bahala na kayong gumawa ng strategy nyo kung paano magpalusot. At kung "makalugan" man kayo, "kalugan" nyo na lang din sa ibang araw.

The End.

Posted by juliustan at 08:35 PM in Everyday Flipping | 24 comments

June 19th, 2008

Elementary Days: Naparusahan ni Mrs. Tapia

Isa lamang ito sa daan-daang mga kwento na hindi ko talaga makakalimutan nung nasa Elementary pa lang ako. Mga pangyayaring medyo "traumatic" kung iisipin dahil sa ako ay minsang nasaktan. Medyo masakit talaga ang mahambalos ng "dos-por-dos" na pamalo sa aking mga "legs". Napagalitan kasi ako ng teacher ko na itatago ko na lang sa pangalang "Mrs. Tapia", kasama ng dalawa ko pang kaklase na itatago ko na lang din sa mga pangalang "Pedro" at "Juan".

Isang maaraw na hapon sa Mababang Paaralan ng Bitik. Naka-switch sa hyper mode ang Grade 6, section Sampaguita (Star Class), dahil naka "sick-leave" ang aming teroristang Guro nung "subject" na iyon. Syempre anu pa nga ba ang aasahan mo.

Kanya-kanyang trip ang mga loko-loko. Parang mga nasa mandaluyong-loob lang na kinulang sa turok ng "tranqulizer" dahil sa sobrang kakulitan. Sinamantala ang malayang pagkakataon. May mga nagchi-chismisan tungkol sa kanilang mga crush-crush, may mga naglalaro ng "unrealistic war games" gamit ang mga nilamukos na papel, may mga medyo "kinikilig-kilig" at "pinagpapawisan" ang ilong at kili-kili dahil sa naging resulta ng kanilang "FLAMES" session, may mga nagko-concert sa likuran gamit ang kanilang mga baon na "song-hits", may mga biik na umeskapo sa kural para kumain sa canteen, at higit sa lahat, ang "one-and-only" laf-trip ng dalawa kong damuhong na kaibigan. Ang mang-alaska ng mga kawawang "bansot" na talagang kinulang sa "height".

Victim of the day. Naispatan nila ang isang di-pangkaraniwang nilalang, na bukod sa patpating katawan, ay talagang pinagkaitan ng pagkakataon na tumangkad. Itago nalang natin siya sa pangalang "Grumpy".

Hindi ko naman sinasabing kamukha niya ang isa sa mga alipores ni Snow White. Mga less than 4 ft. lang siguro ang height niya kung di ako nagkakamali. Pero take note, kahit ganun iyon, malakas pa rin ang dating ng isang yun. Kung gaano kasi siya kaliit, ganun din naman kalaki ang kanyang boses. Palaban at malakas din mang-asar ang isang ito at hindi marunong mapikon.

Kaso wa-epek ang powers niya kina Pedro at Juan. Medyo tahimik si "Grumpy" ng mga oras na iyon. Wala siguro sa mood. Sa first row ako nakaupo at second row naman siya. Nasa medyo likuran ko lang kaya madalas ko siyang mapansin kapag may nangyayaring mga kalokohan.

Ladies and Gents, introducing the "Dynamic Duo" *Pffffft!* Biglang sumulpot sina Pedro at Juan sa paligid ko na parang mga kabute. Kunwari gustong makipagdaldalan tungkol sa "Power Rangers" at kay "Voltes V". Pero sa totoo lang, may maitim na balak ang mga hayup.

Habang nagkukwentuhan kami, biglang lumingon si Juan sa likod at kinamusta ang kanilang "main target". "Oi pare! Kamusta na? Long time no height ah! He he he!" Di siya pinansin ni Grumpy. Hindi nga talaga siya naka tune-up.

Tuloy ang kwentuhan namin nila Pedro at Juan, nang biglang isang higanteng boses ang aming narinig at ito ay nanggaling sa aming likuran, "Ay oo nga! Tapos diba hindi sila makapag-volt-in kasi kinukuryente yung formation nila ng kalaban nila!" Bingo! Nahuli sa bitag ang kawawang "little prey".

Sige lang at nakisali siya sa kwentuhan. Pero naiba na ang topic at napag-usapan naman ang mga asaran at tuksuhan namin nung Grade 5 pa lang kami. Bumanat na kaagad si Juan ng isang malupet na hirit. Sabi nya, "Naaalala nyo, diba ang tawag natin noon kay Grumpy ay 'Puro'?"

Tumawa ng malakas si Pedro, "Bwahahaha! Puro!? Ay oo nga! Tulo pa nga uhog nya nun eh kapag umiiyak!" Si Juan dumali ulit, "Bwehehehe! Umutot pa nga siya nun eh tapos biglang lumobo yung sipon!" Pagkatapos, nag-duet na sa pambubuska ang dalawang walanghiya, "Puro! Bwahahaha!" Sabay apir.

Nakakaawa si Grumpy. Pero di ko talaga mapigilan, kaya nakitawa na rin ako. Pati yung ibang classmate ko na nasa paligid na nakakarinig ng asaran, nakikitawa na rin.

Totoo ang mga pangyayaring iyon. Lumobo nga ang kaniyang sipon at may narinig nga kaming "Prooot!" na tumataginting. Actually, natawa rin siya sa sarili nya. Pero sa pag-aakalang siya ay nakaligtas sa kaniyang ginawang pagpapasabog ng lagim, at pagpapalobo ng sipon, dun siya nagkakamali. Dahil sa isang may-sayad at kalahating retarded itong si Juan na may kakaibang "observing powers" sa paligid at walang pinaliligtas, at binalahura kahit ang isang teacher naming may malaking "bangaw" daw sa ilong (XXL nunal). Dito nagsimula ang bansag na "Puro".

Hindi ko na masyado matandaan kung paano naging "Puro" ang naging ending ng pang-aasar kay Grumpy. Hindi ko alam ang history. Basta kapag nag-aasaran sila, nakikitawa lang ako.

Walang maisip si Grumpy na pang-counter-asar kundi "Weh! Epal!", "Nyeh! Papansin!" at isang mahabang "Ngiyeeeeh!" na sarcastic ang dating. Bumanat na naman si Juan, "Na-ebak pa ata yan sa salawal eh pagkatapos lumobo ang sipon, tapos biglang 'nag-May-I-go-out' kay Ma'am! Bwahahaha!" Tawanan na naman ng malakas.

Ten versus one na ang labanan. Lahat ng nakapaligid kay Grumpy, a.k.a Puro, ay tumatawa sa kaniya. Hindi na siya maka-depensa. Pero, medyo bumilib din ako sa kanya, kasi antagal rin bago siya tuluyang "mapikon" at "humagulgol" ng malakas.

Nagulat kaming lahat. First time naming narinig si Grumpy na umiyak. Nasira ang kanyang "malaking boses" na "asset" dahil lumiit ito na parang sa tutang bagong panganak. Isang matamis na tagumpay para kina Juan at Pedro. "Mission Accomplished" kumbaga.

Nagulangtang at natameme ang lahat ng biglang dumating si Mrs. Tapia. Teacher namin iyon sa unang subject namin na "Mathematics". Nagtaka kami kung bakit siya nandun sa aming silid-aralan samantalang tapos na ang kanyang pagpapasakit sa amin. "Good afternoon class, ako muna ang magiging teacher nyo ngayon sa Filipino", ang joke niya. Pero hindi, nagsasabi pala siya ng totoo nang sabihin niya ang mga katagang, "Open your books to page... Teka nga!!! Bakit umiiyak si Grumpy!?"

Patay! "Takbo naaaaaa!" ang sabi ko sa isip ko. Pero wala na. Huli na ang lahat. Hindi na makatayo sina Juan at Pedro sa tabi ko. Kinakabahan na ang "Dynamic Duo".

"Juan at Pedro! Diyan ba kayo nakaupo? Go back to your seats!" Ang sigaw ni Mrs. Tapia. Bumalik ang dalawang kumag sa kanilang upuan na parang walang alam. Nakaligtas sa "police interrogation" ang mga salarin.

"Julius! Alam ko na nagsasabi ka palagi ng totoo. Bakit umiiyak si Grumpy?" Ang pasigaw na tanong ni Mrs. Tapia.

Medyo matagal bago ako sumagot. Hindi ko maipagkanulo ang dalawa kong kaibigan. Kaya ganito nalang ang sinabi ko, "Ma'am kasi, ano po eh, ano... uhm..."

Nainip si Mrs. Tapia dahil 10 years na ang lumipas at wala akong nasaasabi ni katiting na impormasyon. Hindi niya na rin ako pinilit pa na magsalita dahil sa kaniyang pagkakaalam na ako ay isang tahimik at mabait na bata. Kaya ang nag-iisang si "Little Grumpy" na ang kanyang binanatan ng mga imbestigatibong tanong, "Iho, bakit ka umiiyak?"

"Mwam huwasi po... huhuhu! Huywahuhunsko huwi huwino huat huKwanm!" Hindi maintindihan ang kaniyang sinasabi. Nasasapawan ng kanyang paghagulgol ang mga lumalabas na salita sa kanyang bibig.

Lalong nagalit si Mrs. Tapia. "Letse! Ayusin mo ang sinasabi mo! Hindi kita maintindihan!" ang sigaw niya. "Ana! (Binago ang pangalan) Kumuha ka nga ng isang basong tubig!"

Habang kumukuha si Ana ng tubig mula sa dispenser na tatlong linggo nang hindi nalilinisan, tinatapik-tapik naman ni Mrs. Tapia si Grumpy sa likod at sinasabihan ng "Tahan na anak! Tahan na anak!"

Pagkatapos uminom ni Grumpy at mahimasmasan, ready na ulit siya para magsalita.

"Iho, uulitin ko ang tanong ko sayo ha, bakit ka umiiyak?" Ang pagpapatuloy ni Mrs. Tapia.

Sumagot si Grumpy, "Si Pedro at Juan po kasi, tinutukso ako!" Medyo lumuluha-luha pa habang nagsasalita. Para talagang nagpapaawa.

Tinawag ni Mrs. Tapia ang "Dynamic Duo", "Juan at Pedro! Pumunta nga kayo dito sa harapan!" Lapit naman ang dalawa. Pero hindi pa dito nagtatapos ang imbestigasyon. "Sino pa? Meron pa ba?" ang dagdag ni Mrs. Tapia. Sabay kinuha ang mahiwagang "dos-por-dos" na nakatago sa likod ng blackboard. "Si Julius po!". ang sagot ni Grumpy.

Idinamay ako ng mokong na bansot! Lumingon ako sa likuran para tignan ang reaksiyon ng ibang mga usiserong nakikitawa sa asaran. Walang umiimik.

Tinangka akong iligtas ni Pedro, "Ma'am! Hindi po siya kasali dito! Kami lang po ni Juan yung nanunukso kay Grumpy!" Pero hindi pa rin ako nakaligtas kasi biglang kumontra 'tong epal na bansot, "Eh nakikitawa ka naman!" Medyo sumisigaw at nanginginig-nginig pa ang boses niya.

Kinampihan siya ni Mrs. Tapia, "Oo nga naman! Imbes na ipagtanggol mo ang kaklase mo, nakikisali ka pa!" May point nga naman siya. Kaso nga lang, hindi kami close eh. Ninenok nya kasi nung isang araw yung one piece of pad paper ko na hiningi ko sa seatmate ko.

Bago niya kami hambalusin ng mahiwagang dos-por-dos, medyo na-curious din si Mrs. Tapia sa asarang naganap. Kaya, tinanong niya ulit si Grumpy, "Ano nga ba ang ibinabansag sayo ng mga kaklase mo?" Sumagot si bansot, "Huhuhu! Puro po!"

Narinig ng buong klase ang sinabi niya at medyo natawa ang ilan. Hindi siguro na-gets nung iba kung ano ba yung "Puro" kaya hindi sila natawa. Pero dahil sa muling tinanong ni Mrs. Tapia si Grumpy, "Ano ba ang ibig sabihin ng Puro? Kasi, ang alam ko lang na Puro ay Cafe Puro?! Tama ba? Bakit ka naaasar dun?" Ganito ang kabobohang pagsagot ni Bansot, "Eh kasi sabi po nila, mukha daw akong puro-rot!".

Sa wakas, na-gets na ng buong klase kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng "Puro". Kaya ayun nagtawanan ng malakas ang lahat. Pati ang "Dynamic Duo" na nakahanay sa "death row" at malapit ng masintensiyahan ay humagapak sa kakatawa. Eto ang masayang part. Pati si Mrs. Tapya napatawa ng malakas.

Humagulgol na naman si Grumpy. He! He! He! Lagot si Ma'am.

Dito na nagsimula ang masakit na kaparusahan. Unang pinalo ni Mrs. Tapia si Juan, pangalawa si Pedro, at ako ang pinakahuli. Pinalo kami ng tigdadalawa sa legs. Pagkatapos ng pamamalo, inutusan kami na humingi ng tawad kay Grumpy. Lumapit kami sa kanya at sabay-sabay kaming nagsalita, "Sorry Grumpy."

Medyo mahina ang pagsasalita namin nung una kaya ipinaulit sa amin ang pagsasabi namin ng sorry. "SORRY GRUMPY!!!" ayun, medyo malakas na. Nakamit na namin ang "parole" at pinaupo na ulit kami. At sa wakas, natuloy na rin ang class discussion. Gayunpaman, hindi pa rin nagpatalo si Juan. Buti nalang at hindi na napansin ang kanyang sinabing "SORRY PURO!!!" nung sabay-sabay kaming nagsasalita.

Pagkatapos ng klase, nilapitan ako ni Mrs. Tapia. Naawa siya sa akin. Nakita nya kasi sa aking mga mata na nasaktan ako. First time in history kasi ako na mapalo ng mahiwagang dos-por-dos. Lumapit siya sakin at niyakap ako, habang binubulong niya ang mga salitang, "Anak, masakit ba? Sorry ha." Nakaka-touch talaga. Naiyak tuloy ako.

Kung nasaan man sina Pedro at Juan (The "best" talaga kayong dalawa!), si Mrs. Tapia (The Police Interrogator, hehe piz po tayo!), si Ana (Ang may kasalanan kung bakit nakapagsalita ng maayos si Grumpy), at si Grumpy a.k.a. Puro (sana matangkad ka na ngayon), magagalak ako kung mababasa ninyo ito at malalaman ninyong kayo ang tinutukoy ko.

Maraming-maraming salamat sa mga alaalang medyo masakit, pero masaya. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan.

Currently feeling: cheerful
Posted by juliustan at 06:27 PM in Everyday Flipping | 4 comments

June 25th, 2008

What's Your New Name?

Follow the instructions to find your new name. The following is an excerpt from a children's book, "Captain Underpants and the Perilous Plot of Professor Poopypants" by Dave Pilkey: The evil Professor forces everyone to assume new names...

Use the third letter of your first name to determine your new first name:

a = poopsie
b = lumpy
c = buttercup
d = gidget
e = crusty
f = greasy
g = fluffy
h = cheeseball
i = chim-chim
j = stinky
k = flunky
l = boobie
m = pinky
n = zippy
o = goober
p = doofus
q = slimy
r = loopy
s = snotty
t = tootie
u = dorkey
v = squeezit
w = oprah
x = skipper
y = dinky
z = zsa-zsa

Use the second letter of your last name to determine the first half of your new last name:

a = apple
b = toilet
c = giggle
d = burger
e = girdle
f = barf
g = lizard
h = waffle
i = cootie
j = monkey
k = potty
l = liver
m = banana
n = rhino
o = bubble
p = hamster
q = toad
r = gizzard
s = pizza
t = gerbil
u = chicken
v = pickle
w = chuckle
x = tofu
y = gorilla
z = stinker

Use the fourth letter of your last name to determine the second half of your new last name:

a = head
b = mouth
c = face
d = nose
e = tush
f = breath
g = pants
h = shorts
i = lips
j = honker
k = butt
l = brain
m = tushie
n = chunks
o = hiney
p = biscuits
q = toes
r = buns
s = fanny
t = sniffer
u = sprinkles
v = kisser
w = squirt
x = humperdinck
y = brains
z = juice

Currently feeling: sleepy
Posted by juliustan at 09:53 AM in General Topics | 11 comments

Chapter 29

Am I Ready to Date?

IN MANY lands dating is viewed as a means of romantic entertainment, a fun activity. Dating thus takes many forms. For some, a date is a formal, structured affair—flowers, a lovely dinner, and a good-night kiss are all part of the agenda. For others, a date simply means spending some time together with someone you like of the opposite sex. There are even couples who are constantly seen together but who claim to be ‘just friends.’ Well, whether you call it dating, going together, or just seeing each other, it usually amounts to the same thing: a boy and a girl spending a lot of time together socially, often unsupervised.

Dating was not the custom in Bible times. Nevertheless, when carried out intelligently, cautiously, and honorably, dating is a legitimate way for two people to get to know each other. And, yes, it can be enjoyable. But does this mean that you should date?

The Pressure to Date

You may feel under pressure to date. Most of your peers probably date, and naturally you do not want to seem weird or different. Pressure to date may also come from well-meaning friends and relatives. When 15-year-old Mary Ann was asked to go out on a date, her aunt advised: "Whether you want to marry the boy or not has nothing to do with it. Dating is just a part of your natural development as a person. . . . After all, if you always turn guys down you’ll be unpopular and no one will ask you out." Mary Ann recalls: "Auntie’s words sunk down deep. Would I be cheating myself out of a good opportunity? The boy had his own car, lots of money; and I knew he would show me a great time. Should I date him or not?"

For some youths the pressure comes from their own desires for warmth and affection. "I needed to be loved and appreciated," explained an 18-year-old named Ann. "Since I was not close to my parents, I turned to my boyfriend to find closeness and to have someone to whom I could pour out my feelings who would really understand."

Nevertheless, a teenager should not begin dating simply because he or she feels pressured to do so! For one thing, dating is serious business—a part of the process of selecting a marriage mate. Marriage? Admittedly, this may be the last thing on the minds of most youths who date. But really, what justification could there be for two people of the opposite sex to begin spending a lot of time together other than to investigate the possibility of marrying each other? In the long run, dating for any other reason is likely to result in anything but "fun." Why so?

The Dark Side of Dating

For one thing, youths are in the vulnerable period of life the Bible calls "the bloom of youth." (1 Corinthians 7:36) During this time, you may feel powerful surges of sexual desire. There is nothing wrong with this; it is a part of growing up.

But therein lies a big problem with teenage dating: Teenagers are just beginning to learn how to control these sexual feelings. True, you may well know God’s laws regarding sex and you may sincerely desire to remain chaste. (See Chapter 23.) Even so, a biological fact of life comes into play: The more you keep company with a member of the opposite sex, the more sexual desire can grow—whether you want it to or not. (See pages 232-3.) It is the way all of us are made! Until you are older and more in control of your feelings, dating may simply be too much for you to handle. Unfortunately, many youths find this out the hard way.

"When we started dating, . . . we didn’t even hold hands or kiss. I just wanted to enjoy the pleasure of her company and talk," said one young man. "However, she was very affectionate and would sit very close to me. In time we did hold hands and kiss. This created within me an even stronger sex drive. It affected my thinking to the point that I wanted to be with her, not just to talk, but to hold her, touch her and kiss. I couldn’t get enough! I was literally going crazy with passion. At times I would feel cheap and ashamed."

Little wonder, then, that dating often culminates in illicit sexual relations. A survey of several hundred teenagers found that 87 percent of the girls and 95 percent of the boys felt that sex was either "moderately important or very important" in dating. However, 65 percent of the girls and 43 percent of the boys admitted that there had been times on a date when they had had sexual contact even though they did not feel like it!

Recalls 20-year-old Loretta: "The more we saw each other, the more involved we became. Kissing soon grew stale and we began touching intimate body parts. I became a nervous wreck because I felt so dirty. My date also in time expected me to ‘go all the way’ . . . I was confused and bewildered. But all I could think of was, ‘I don’t want to lose him.’ I was miserable!"

True, not every couple end up having sexual relations; some let their displays of affection stop just short of it. But what results when one is worked up emotionally and has no honorable outlet for such feelings? Guaranteed frustration. And those frustrations are not limited to sexual feelings.

Torn Emotions

Consider one young man’s dilemma: ‘I liked Kathy a lot at first. Well, I admit I talked her into doing some things she didn’t think were right. Now I feel dirty because I’ve lost interest. How can I ditch Kathy without hurting her feelings?’ What a perplexing situation! And how would you feel if you were Kathy?

Teen heartbreak is a common malady. True, a young couple walking hand in hand may present an attractive picture. But what are the odds that the same couple will still be together a year from now, much less married to each other? Slim indeed. Teen romances are thus almost always doomed relationships, seldom culminating in marriage, often terminating in heartbreak.

After all, during the teen years your personality is still in a state of flux. You are discovering who you are, what you really like, what you want to do with your life. Someone who interests you today may very well bore you tomorrow. But when romantic feelings have been allowed to flourish, someone is bound to get hurt. Not surprisingly, several research studies have linked "a fight with a girl friend" or "disappointment in love" as among the situations responsible for many youthful suicides.

Am I Ready?

God tells young people: "Rejoice, young man [or woman], in your youth, and let your heart do you good in the days of your young manhood, and walk in the ways of your heart and in the things seen by your eyes." Young people do tend to "walk in the ways of [their] heart." Yet so often those "ways," which seem to be such fun, end up bringing vexation and calamity. The Bible thus urges in the following verse: "Remove vexation from your heart, and ward off calamity from your flesh; for youth and the prime of life are vanity." (Ecclesiastes 11:9, 10) "Vexation" refers to being deeply troubled or sorely distressed. "Calamity" denotes a personal disaster. Both can make life miserable.

Does this mean, then, that dating itself is a source of vexation and calamity? Not necessarily. But it can be if you date for a wrong reason ("for fun") or before you are ready for it! The following questions may, therefore, prove helpful in evaluating your own situation.

Would dating help or hinder my emotional growth? Dating can limit you to a boy-girl relationship. Might it not benefit you, instead, to widen out in your association with others? (Compare 2 Corinthians 6:12, 13.) A young woman named Susan says: "I learned to develop close friendships with older Christian women in the congregation. They needed companionship, and I needed their steadying influence. So I would drop in for coffee. We would talk and laugh. I made real, lifelong friendships with them."

By having many types of friends—old and young, single and married, male and female—you learn to be poised around people, including those of the opposite sex, with much less pressure than on a date. Furthermore, by associating with married couples, you gain a more realistic view of marriage. Later on you will be better prepared to select a good mate and fulfill your own role in marriage. (Proverbs 31:10) A youth named Gail thus concludes: "I’m not ready to get married and settle down. I’m still getting to know myself, and I have many spiritual goals yet to achieve. So I really don’t need to be too close to anyone of the opposite sex."

Do I want to cause hurt feelings? Both your feelings and those of the other person can be crushed if romantic bonds are forged with no prospect of marriage in sight. Really, is it fair to heap romantic attention upon someone in order to gain experience with the opposite sex?—See Matthew 7:12.

What do my parents say? Parents often see dangers to which you are blind. After all, they were young once. They know what real problems can develop when two young people of the opposite sex start spending a lot of time together! So if your parents disapprove of your dating, do not rebel. (Ephesians 6:1-3) Likely, they simply feel you should wait till you are older.

Will I be able to follow the Bible’s morality? When one is "past the bloom of youth," one can better deal with sexual impulses—and even then it is not easy. Are you really ready at this point in life to handle a close relationship with someone of the opposite sex and keep it chaste?

Interestingly, many youths are asking themselves these questions and coming to the same conclusion reached by Mary Ann (quoted earlier). She said: "I determined that I was not going to be influenced about dating by the attitudes of others. I was not going to date till I was old enough and ready to get married and I saw someone with the qualities I wanted in a husband."

Mary Ann thus raises the critical question you must ask yourself before dating.

Questions for Discussion

□ What does the term "dating" mean to you?

□ Why do some youths feel under pressure to date?

□ Why is dating unwise for someone in "the bloom of youth"?

□ How can a youth "ward off calamity" when it comes to dating?

□ What are some problems that can develop when a boy and a girl are ‘just friends’?

□ How can you know if you’re ready to date?

So-called platonic relationships (affectionate relationships between men and women into which the sexual element does not enter) are quite popular among youths. Claims 17-year-old Gregory: "It’s easier for me to talk to girls because they’re usually more sympathetic and sensitive." Other youngsters argue that such friendships help them develop a more rounded-out personality.

The Bible urges young men to treat "younger women as sisters with all chasteness." (1 Timothy 5:2) By applying this principle, it is indeed possible to enjoy clean, wholesome friendships with members of the opposite sex. The apostle Paul, for example, was a single man who enjoyed a number of friendships with Christian women. (See Romans 16:1, 3, 6, 12.) He wrote of two "women who have striven side by side with me in the good news." (Philippians 4:3) Jesus Christ also enjoyed balanced, wholesome association with women. On numerous occasions, he enjoyed the hospitality and conversation of Martha and Mary.—Luke 10:38, 39; John 11:5.

Nevertheless, a "platonic" friendship is often little more than a thinly disguised romance or a way to get attention from someone of the opposite sex without commitment. And since feelings can easily change, there is a need for caution. Warned Dr. Marion Hilliard: "An easy companionship traveling at about ten miles an hour can shift without warning to a blinding passion going a hundred miles an hour."

Sixteen-year-old Mike learned this when he became "friends" with a 14-year-old girl: "I quickly found out [that] two people cannot stay just friends when they keep seeing each other exclusively. Our relationship kept growing and growing. We soon had special feelings for each other, and we still do." Since neither is old enough to marry, those feelings are a source of frustration.

Too much close association can have yet sadder consequences. One youth tried to comfort a female friend who confided in him about some of her problems. Before long, they were petting. The result? Troubled consciences and bad feelings between them. With others, sexual relations have resulted. A survey taken by Psychology Today revealed: "Almost half the respondents (49 percent) have had a friendship turn into a sexual relationship." In fact, "nearly a third (31 percent) reported having had sexual intercourse with a friend in the past month."

‘But I’m not attracted to my friend and would never get romantically involved with him [or her].’ Perhaps. But how might you feel in the future? Besides, "he that is trusting in his own heart is stupid." (Proverbs 28:26) Our hearts can be treacherous, deceptive, blinding us to our true motives. And do you really know how your friend feels about you?

In his book The Friendship Factor, Alan Loy McGinnis advises: "Don’t trust yourself too far." Take precautions, perhaps confining your association to properly supervised group activities. Avoid inappropriate displays of affection or being alone in romantic circumstances. When you are troubled, confide in parents and older persons rather than a youth of the opposite sex.

And what if, in spite of safeguards, unshared romantic feelings develop? "Speak truth," and let the other person know where you stand. (Ephesians 4:25) If this does not settle matters, it might be best to keep your distance. "Shrewd is the one that has seen the calamity and proceeds to conceal himself." (Proverbs 22:3) Or as the book The Friendship Factor puts it: "Bail out if necessary. Once in a while, no matter how much we try, a friendship with the opposite sex gets out of hand and we know where it is going to lead." Then, it is time to "back away."

Currently reading: Young People Ask p. 225 - 235
Posted by juliustan at 01:43 PM in Love and Friendship | 3 comments

June 26th, 2008

Thursday na Ewan

Sa loob ng isang linggo, meron ditong dalawang araw na napaka-espesyal para sa lahat. Nagkakamali ka kung ang iniisip mo ay ang Sabado at Linggo. Hindi. Lunes at Biyernes ang tinutukoy ko.

Napakaespesyal na araw ang Lunes. Bakit? Subukang pagmasdan ang kapaligiran tuwing Lunes. Maririnig mo ang mga expression na, "Hay! Monday na naman!", "Badtrip! I hate Mondays!", at ang pinakapopular na, "Monday! Masama ang pakiramdam ko! Ayokong pumasok!". At natatandaan ko sa isang comedy TV show, dapat daw walang pasok tuwing Monday kasi kadikit ito ng Sabado at Linggo. May point sila.

At ang Biyernes? Isang masayang araw ito para sa karamihan, lalo na sa mga empleyado at mga estyudante. Magmasid ulit sa paligid. "T.G.I.F", "Sa wakas! Friday na!", "Friday na naman!", at ang huling pagbati ni boss sa aming lahat bago siya umalis ng opisina, "Have a great weekend everyone!" At syempre pa, kadikit din ito ng Sabado at Linggo kaya dapat wala itong pasok.

Naisip ko, pano naman ang mga araw ng Martes, Miyerkules, at Huwebes? Dedma na lang?

Hindi lang napapansin, pero sa totoo lang, ito ang pinaka-dapat bigyan ng atensyon. Ganito ang paliwanag diyan. Pag-isipang mabuti.

Martes. Ang araw pagkatapos ng Lunes. Una, wala na ang hang-ober na idinulot ng weekend, kaya nasa kondisyon na muli ang kanyang katawan para magtrabaho. Pangalawa, natambakan siya ng mga "task" dahil nakipag-chat at e-mail lang siya sa kanyang mga "online buddies" buong maghapon nung Lunes. At pangatlo, dahil sa tambak siya ng trabaho, tinatamad na siyang gumawa. Bisi-bisihan mode para kunwari ay may tinatapos. Dahil dun, nakipag-chat at e-mail na lang ulit siya hanggang sa matapos ang 8 hours.

Miyerkules. Ang araw pagkatapos ng Martes. Bigla niyang naalala na may deadline pala siya bukas. Patay! Na-pressure ng husto, na-stress, at sobrang nabalisa. Naglagay ng "Busy" icon sa Yahoo Messenger dahil ayaw niya magpa-istorbo. Sa sobrang dami ng ginagawa, kailangan mag-overtime. Tinapos ang lahat ng dapat tapusin kaya 12am na nakauwi. Dahil dun, napagod siya ng husto. Kinabukasan...

Huwebes. Ang araw pagkatapos ng Miyerkules. Tinanghali ng gising. 8AM na! Lagot na naman. Naalala niya na ngayon palang 9am ang presentation niya. Wala pang 30mins, nakabihis na siya ng pangtrabaho at umalis na kaagad ng bahay. Hindi na nagbreakfast. Hindi na nagpupu. Hindi na nagtutbras. Sa office na lang daw. Rush hour, nagkaipitan sa kalsada. Pagdating sa opisina, 30 minutes late. Nakasimangot na ang Boss niya. Hindi nagsasalita. Mainit ang ulo. Nakataas pa ang isang kilay. Pagbukas ng PC niya para ihanda ang presentation, nakita niya ang email niya. Cancelled ang meeting. Bukas na lang daw at maraming ginagawa ng kanyang Boss. Nakaligtas? Hindi. Ang totoo, nasayang ang effort. Nagmadali pa man din siya para makarating sa opisina. Constipated pa ngayon siya.

Parang ewan talaga.

Kaya hindi dapat iniisnab ang mga araw ng Martes, Miyerkules at lalung-lalo na ang Huwebes. Marami kasi ang pwedeng mangyari. Hindi lang ito.

Ang gloomy talaga ng Thursday. Parang uulan pa.

Hay buhay.

Currently feeling: bored
Posted by juliustan at 06:27 PM in Everyday Flipping | 12 comments