June 26th, 2008
Thursday na Ewan
Sa loob ng isang linggo, meron ditong dalawang araw na napaka-espesyal para sa lahat. Nagkakamali ka kung ang iniisip mo ay ang Sabado at Linggo. Hindi. Lunes at Biyernes ang tinutukoy ko.
Napakaespesyal na araw ang Lunes. Bakit? Subukang pagmasdan ang kapaligiran tuwing Lunes. Maririnig mo ang mga expression na, "Hay! Monday na naman!", "Badtrip! I hate Mondays!", at ang pinakapopular na, "Monday! Masama ang pakiramdam ko! Ayokong pumasok!". At natatandaan ko sa isang comedy TV show, dapat daw walang pasok tuwing Monday kasi kadikit ito ng Sabado at Linggo. May point sila.
At ang Biyernes? Isang masayang araw ito para sa karamihan, lalo na sa mga empleyado at mga estyudante. Magmasid ulit sa paligid. "T.G.I.F", "Sa wakas! Friday na!", "Friday na naman!", at ang huling pagbati ni boss sa aming lahat bago siya umalis ng opisina, "Have a great weekend everyone!" At syempre pa, kadikit din ito ng Sabado at Linggo kaya dapat wala itong pasok.
Naisip ko, pano naman ang mga araw ng Martes, Miyerkules, at Huwebes? Dedma na lang?
Hindi lang napapansin, pero sa totoo lang, ito ang pinaka-dapat bigyan ng atensyon. Ganito ang paliwanag diyan. Pag-isipang mabuti.
Martes. Ang araw pagkatapos ng Lunes. Una, wala na ang hang-ober na idinulot ng weekend, kaya nasa kondisyon na muli ang kanyang katawan para magtrabaho. Pangalawa, natambakan siya ng mga "task" dahil nakipag-chat at e-mail lang siya sa kanyang mga "online buddies" buong maghapon nung Lunes. At pangatlo, dahil sa tambak siya ng trabaho, tinatamad na siyang gumawa. Bisi-bisihan mode para kunwari ay may tinatapos. Dahil dun, nakipag-chat at e-mail na lang ulit siya hanggang sa matapos ang 8 hours.
Miyerkules. Ang araw pagkatapos ng Martes. Bigla niyang naalala na may deadline pala siya bukas. Patay! Na-pressure ng husto, na-stress, at sobrang nabalisa. Naglagay ng "Busy" icon sa Yahoo Messenger dahil ayaw niya magpa-istorbo. Sa sobrang dami ng ginagawa, kailangan mag-overtime. Tinapos ang lahat ng dapat tapusin kaya 12am na nakauwi. Dahil dun, napagod siya ng husto. Kinabukasan...
Huwebes. Ang araw pagkatapos ng Miyerkules. Tinanghali ng gising. 8AM na! Lagot na naman. Naalala niya na ngayon palang 9am ang presentation niya. Wala pang 30mins, nakabihis na siya ng pangtrabaho at umalis na kaagad ng bahay. Hindi na nagbreakfast. Hindi na nagpupu. Hindi na nagtutbras. Sa office na lang daw. Rush hour, nagkaipitan sa kalsada. Pagdating sa opisina, 30 minutes late. Nakasimangot na ang Boss niya. Hindi nagsasalita. Mainit ang ulo. Nakataas pa ang isang kilay. Pagbukas ng PC niya para ihanda ang presentation, nakita niya ang email niya. Cancelled ang meeting. Bukas na lang daw at maraming ginagawa ng kanyang Boss. Nakaligtas? Hindi. Ang totoo, nasayang ang effort. Nagmadali pa man din siya para makarating sa opisina. Constipated pa ngayon siya.
Parang ewan talaga.
Kaya hindi dapat iniisnab ang mga araw ng Martes, Miyerkules at lalung-lalo na ang Huwebes. Marami kasi ang pwedeng mangyari. Hindi lang ito.
Ang gloomy talaga ng Thursday. Parang uulan pa.
Hay buhay.
aisheru

juliustan

liang

dapat wednesday lang may pasok!!!! ahahah!
juliustan

aieo21

juliustan

hay! anu ba yan... feeling ko tuloy nagbigay ako ng idea para tamarin na ng tuluyan ang mga tao.. haha!
starmistedeyes

at umulan nga, un lang masaya ako pag umuulan eh so hindi gloomy ang thursday ko. ehehe
juliustan

Dati, gusto ko rin ang ulan. Kinakanta ko pa nga yung "Minsan pa ulan bumuhos ka't wag nang tumigil pa!!!" Hehe! Pero ewan ko ba, biglang nag-iba ang pananaw ko sa buhay :p
in-momentum
juliustan

haha! ok na... solb na problema ko. XD
princesscha

juliustan
