July 3rd, 2008
Ang Pagbabalik
Heto na naman ako, nagbabalik pagkatapos ng ilang araw na pananahimik. Nagpunta lang ako sa Beijing para magkape sa Starbucks. Kaso, na-istranded ako kaya hindi ako nakauwi kaagad. Nagkaroon kasi ng bomb threat sa lahat ng airport sa mga siyudad. Kaya ipinasiya ng pamunuan ng Tsina na itigil muna ang lahat ng flight palabas ng kanilang bansa. Habang naghihintay, nagpunta muna ko sa Disneyland sa bayan ng Macau para magpa-picture kay Mickey Mouse.
O sige, tama na ang ilusyon. Nambabarbero lang ako. Ang totoo, wala na akong maisulat. Basta. Blue mode kasi ako. Yun lang yon.
Para sa lahat ng mga mamamayang tabulista, gusto ko lang malaman nyo na meron akong superpowers. Mas malakas ako kay Superman, mas matalino ako kay Professor X, at mas green ang aking kulay kesa kay Incredible Hulk. Kaya para doon sa mga nagtatangkang ipa-deport ako, dahil ako daw ay isang illegal alien na nagpapasikip sa bansang Pilipinas, kumpleto po ang aking mga kredensiyal na magpapatunay ako ay isang tunay na Pinoy. Una sa lahat dito ako ipinanganak at dito ako lumaki. Pangalawa, wala na akong dapat ipaliwanag pa. Pangatlo, kung ayaw nyo maniwala, bahala kayo. Mga panget! Tse!
Isang maikling mensahe para sa mga taga-DFA na nag-delay sa pagre-release ng aking 32-page na passport. Eto ang masasabi ko sa inyo… “Mga hinayupak! Lalo na dun sa epal na babaitang naglagay ng annotation sa aking application form! Angkapal ng make-up mo sa muka! Para kang espasol! Bakit nyo ba naisip na fake ang aking birth certificate?!”
Zzzz… Mga friends, mag-joke naman kayo. I need a good laugh.