July 3rd, 2008

Ang Pagbabalik

Heto na naman ako, nagbabalik pagkatapos ng ilang araw na pananahimik. Nagpunta lang ako sa Beijing para magkape sa Starbucks. Kaso, na-istranded ako kaya hindi ako nakauwi kaagad. Nagkaroon kasi ng bomb threat sa lahat ng airport sa mga siyudad. Kaya ipinasiya ng pamunuan ng Tsina na itigil muna ang lahat ng flight palabas ng kanilang bansa. Habang naghihintay, nagpunta muna ko sa Disneyland sa bayan ng Macau para magpa-picture kay Mickey Mouse.

O sige, tama na ang ilusyon. Nambabarbero lang ako. Ang totoo, wala na akong maisulat. Basta. Blue mode kasi ako. Yun lang yon.

Para sa lahat ng mga mamamayang tabulista, gusto ko lang malaman nyo na meron akong superpowers. Mas malakas ako kay Superman, mas matalino ako kay Professor X, at mas green ang aking kulay kesa kay Incredible Hulk. Kaya para doon sa mga nagtatangkang ipa-deport ako, dahil ako daw ay isang illegal alien na nagpapasikip sa bansang Pilipinas, kumpleto po ang aking mga kredensiyal na magpapatunay ako ay isang tunay na Pinoy. Una sa lahat dito ako ipinanganak at dito ako lumaki. Pangalawa, wala na akong dapat ipaliwanag pa. Pangatlo, kung ayaw nyo maniwala, bahala kayo. Mga panget! Tse!

Isang maikling mensahe para sa mga taga-DFA na nag-delay sa pagre-release ng aking 32-page na passport. Eto ang masasabi ko sa inyo… “Mga hinayupak! Lalo na dun sa epal na babaitang naglagay ng annotation sa aking application form! Angkapal ng make-up mo sa muka! Para kang espasol! Bakit nyo ba naisip na fake ang aking birth certificate?!”

Zzzz… Mga friends, mag-joke naman kayo. I need a good laugh.

Posted by juliustan at 07:08 PM in Everyday Flipping | 8 comments
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on August 2nd, 2008 at 01:58 PM
Sus, basahin mo na lang tong entry mo. Nakakatawa kaya :))
Comment posted on August 3rd, 2008 at 06:12 PM
rest mode lang muna ako =)
Comment posted on July 14th, 2008 at 04:13 AM
Ang labo ng gobyerno. hinihikayat nila ang brain drain pero pahirapan kumuha ng passport.

Paumanhin wala akong baong joke.
Comment posted on August 3rd, 2008 at 06:13 PM
okay lang. salamat sa pagbisita =)
Comment posted on July 5th, 2008 at 01:32 AM
anong bamboo ang insekto???

eh di...

bambool bee!!!!!!!!!


sabi mo magjoke eh..
cheer up.. kung ano man yan, it will pass..
Comment posted on July 8th, 2008 at 10:47 AM
hahaha! natawa ako sa joke mo! =))

thanks...
Comment posted on July 4th, 2008 at 05:43 PM
ganun! upakan mo. binibigyan kita ng permiso. nag-email ako sa senado, gagawa na raw ng bill na nagbibigay ng permisyon na manapak kapag ginagago ka ng kapwa mo. hahaha! charing! XD
Comment posted on July 4th, 2008 at 06:02 PM
ok na.. naupakan ko na sha tru words. pwede na yun.. :p