October 9th, 2008
Palakang Petot
Ang isa sa pinakamahirap at pinakanakakapandiring gawin sa buhay ng isang tao ay ang manghuli ng palakang petot. Teka, alam mo ba yun? Sila yung mga damuhong at maiingay na palaka sa gabi na walang ibang alam sabihin kundi “Petot! Petot! Petot!” Color yellow at medyo may pagka-green ang kulay nila. Bakit kamo nakakadiri? Abangan mo nalang sila sa inyong lugar at makipag-eye-to-eye contact ka sa mga palakang ito para maintindihan mo kung bakit. Basta i-check mo nalang. Hehe!
May iba’t-ibang uri ang palakang petot. Ang ilan sa kanila ay ang mga sumusunod:
Una, ang mga “Super Petot”. Sila yung mga jumbo sized petot na halos hindi na makatalon dahil sa obesity. Pero sila yung pinakamatinik tumira ng mga langaw at mga lamok. Malaki ang mga mata nila, kala mo jolen. Madalas din silang tulog.
Pangalawa, ang mga “Baklang Petot”. Madali lang sila kilalanin. Iba kasi ang lengwahe nila, “Chorvalooot Petowtie! Chorvalooot Petowtie!” Ganun sila magsalita. Tignan mo rin ang paraan ng kanilang pagtalon. Hindi sabay ang mga paa, nauuna palagi ang kanan. At kung medyo “observient” ka pa ng konti, makikita mo sa kanilang mga mata na marunong silang mag-“beautiful eyes”. Anlandi eh.
Pangatlo, ang mga “Human Petot”. Sila ang mga petot na makikita mo sa loob ng bahay dahil feeling nila ay tao sila. Kung hindi mo sila trip patuluyin sa loob ng bahay for the meantime, wag mo silang hahampasin ng walis tambo o babarilin ng pellet gun. Pagsabihan mo lang sila na lumabas ng pinto. Marunong naman sila sumunod. Try mo. Waha!
Pang-apat, ang mga “Notorius Petot”. Mailap ang mga petot na ito. Hindi sila nagpapahuli ng buhay. Huwag mo rin silang sasaktan. Dahil kapag ginawa mo yun, magreresearch sila sa google earth at hahanapin nila kung saan ka nakatira. Pagkatapos, lulusot sila sa bintana ng bahay nyo na parang akyat bahay gang at iihian ka sa mukha. Rare ang kanilang uri. Pero kailangan pa rin ang ibayong pag-iingat. Delikado.
Panglima, ang mga “Konyo Petot”. Sila ang may pinakamaraming uri. 50% yata sa populasyon ng mga petot. Binubuo sila ng mga class-A na mga petot na may high cost of living. May pagka-sosyalista ang mga petot na ito at hindi sila masyado nakikihalubilo sa mga pangkaraniwang petot. Madali lang din sila makilala sa paraan ng kanilang pagsasalita at pagkilos. Pumunta ka nalang sa mga starbucks coffee shop o kaya ay sa trinoma para magkaroon ka ng idea. Har har!
Pang-anim, ang pinakapeborit ko sa lahat. (Peborit hambalusin ng tsinelas) Sila ang mga “Bobong Petot”. Hindi sila marunong mag-isip sa totoo lang. As in. Bigla nalang sila tumatalon sa ere ng walang dahilan. Bigla nalang silang sisigaw ng “petot” ng wala ring dahilan. At bigla nalang din silang ji-jingle sa kalsada ng walang dahilan. Kadugyutan naman! Tamad din ang mga petot na ‘to. Wala silang ginawa sa gabi kundi tumitig sa mga bituin at pumetot ng pumetot. At kahit sa umaga, pumepetot pa din. At dahil sa sobrang kabobohan ng mga petot na ito, madalas nilang makalimutan na sila ay palakang petot. Bakit daw? Eh san ka ba naman nakakita na ang palakang petot ang sinasabi ay “Riddip! Riddip! Riddip!” Trying hard masyado! Ansarap bombahin ng baygon! (Pinatulan ang palakang petot?! Mwehehe!)
And lastly, ang mga “Common Petot”. Sila yung mga pangkaraniwang petot na kinamumuhian ng mga Konyo Petot. Para sa mga petot na ito, simple lang ang buhay. Makakain ng mga lamok at mga langaw sa araw-araw, matulog sa likod ng mga damuhan, at pumetot tuwing sasapit ang tag-ulan. May pangarap din naman ang mga petot na ito. Gusto nilang magkaroon ng sariling videoke bar! Paano ko nalaman? Tanungin mo nalang sila! Hahaha!
May sariling Olympics din ang mga palakang petot tuwing sasapit rainy days. Trip nila ang makipaglaro ng patintero sa mga humaharurot na kotse sa kalsada. Ang masagasaan, taya. Ang madalas ma-taya dito ay yung mga Super Petot. Yung iba naman, nagpaparamihan ng makakain na lamok. Ang mahirinan, engot. At ang main event, palakasan ng sigaw ng “Petooooooooooooooooooooooootttt!” Ang mawalan ng boses, talo. Kaya minsan may mga palakang petot na kapag narinig mo magsalita ng “petot”, ang sinasabi, “Pehowt! Uhugh! Uhugh! Pehowt! Uhugh! Uhugh! Pehowt!” Bakit kamo? Contestant yun nung isang gabi. Nyaha! Huwala lang! ^_^
FYI, hindi ko pinag-aralan ang mga palakang petot. Ang nangyari, isa mga palakang petot ang lumapit sa akin sa loob ng bahay namin nung isang gabi at siya mismo ang naglahad ng mga ito. Ang sabi nya, “Petot! Petot! Petot!” Sobra kong naintidihan ang sinabi nya. Nakaka-touch nga eh, pramis. Kaya sa sobrang tuwa ko, dumompet ako ng isang hibla ng walis tingting dun sa kusina at pinagtutusok ko siya sa pwet hanggang sa siya ay mapa-sigaw ng malakas na “petoooooooot!!!”. Doon ko napag-alaman na siya ay isang Human Petot. And so on, and so forth.
The End.