Everything will fall into place.
Mas maganda nga at mas magaan sa pakiramdam kapag hindi ka nagmamadali. Yung may plano ka nga pero hindi mo mamadaliin na makuha ang isang bagay o mangyari ang gusto mong mangyari dahil dadating ang tamang oras para mangyari 'yon o makuha mo ang hinihiling mo.
Kailangan na kailangan ko na 'yon sa lalong madaling panahon, alam ko. Gusto ko man makuha na 'yon agad pero may mga bagay din na kailangang bigyang konsiderasyon. May mga bagay na pwede mo namang makuha habang nabibigyang-tulong mo naman ang iba pang tao. Mas maganda na 'yon. Dalawa kayong panalo.
Sige. Pagtiyagaan ko na muna kung anong meron ako. Nagagamit pa naman eh.
• • •
Love doesn't ask for reasons.
Kahapon tinanong niya ako kung bakit natatagalan ko pa siya kahit na gano'n ang ugali niya. Sabi ko lang, "kailangan mo pa bang tanungin 'yon...?"
Siyempre. Mahal kita eh.
• • •
Take it easy.
Malapit na pasko at marami akong inaalala. Pero kesa naman mababad sa sakit ng ulo, easy na lang ako. Kahit paunti-unti, may nahuhugot naman eh. Pero ang di ko pa rin matanggap ay ang katotohanan na
mababa lang ang sweldo ko
kumpara sa ibang tao na kapareho ng trabaho ko. Unfair di ba?
Sige laban tayo. Taon o talento? Sa talento na 'ko. Kasi yun ang meron ako.
*Apir sa lahat ng mga TOTOONG Graphic Artists sa Pilipinas!*
P.S.:
Isa pa pala. Ang isa pang hindi ko matanggap sa buhay dito sa Pinas ay kung bakit yung malalaking kumpanya na pag-aari ng mga Pilipino o mga kalahating-Pilipino ay di kayang magpasahod ng malaki. Sadyang kuripot lang ba o nagpapayaman lang ng sariling bulsa? Kawawa naman kaming mga empleyado.
Oh well. It's Holiday. Boni-fuck you day.